50 Common Answers on How to be Romantic
>> Thursday, September 1, 2011
Ito ay para sa mga kalalakihan. Narito ang mga dapat mong gawin o ginawa mo na dapat nyutaness para maging isa kang tunay na romantiko. Sundin mo lang at tiyak mapapasaiyo na ang kaligayahan. etchoz lang..
- You kiss your Girlfriend even if she doesn’t brush her teeth regularly, and you don’t care whether she has a very stinky smell.
- Pinupunasan mo ang pawis nya sa dibdib at likod ng walang halong malisya.
- Ipinagmamalaki mo sya sa mga naging-ex mo at maging sa mga kainuman mo.
- Sinasabi mo sa kanya kung bakit mo sya mahal at kung hanggang kalian mo lang sya mamahalin.
- Pinag-uusapan nyo kung papaano kayo maghihiwalay at kung papaano ang mga steps dito.
- Mahigpi lagi ang yakap mo sa bewang nya kahit pa amoy baktol sya.
- Hinahaplos mo ang buhok nya sabay hanap ng lisa at kuto, at sabay titirisin ito ng malakas sa anit nya.
- Hinahaplos mo lagi ang pisngi nya kahit pa tadtad ito ng tagyawat at acne.
- Pinapahiga mo sya sa lap mo kahit mabaho ang singit mo.
- Pinipisil mo lagi ang ilong nya dahil naku-kyutan ka sa mga black heads niya.
- Ilalagay mo ang mukha nya sa balikat mo para singahan nya kapag umiiyak sya.
- Sumasabay ka sa baby talk nya kahit alam mong nagmumukha ka ng shonga.
- Malambing ang boses mo kapag sobrang bwisit kana sa lagi nyang pagkalmot sa mukha mo kapag natatawa siya.
- Iniisa-isa mong tingnan ang daliri nya sa paa para tanggalan ng ingrown.
- Pinaplantsa mo ang hair nya pagkatapos mo itong kulutin, i-shampoo, at i-hot oil.
- Pinag-aaralan mo na rin kung papaano sya lagyan ng liquid eyeliner sa mata at nail polish.
- Kung ano ang suot nyang damit ay titernohan mo dahil gusto mong magmukha kayong si B1 at B2.
- Kapag masama ang pakiramdam nya ay pinagtitirik mo sya ng kandilang itim sa Quiapo.
- Kapag masama naman ang pakiramdam mo ay malambing ka sa kanya para lumipat sa kanya ang trangkaso mong H1N1 na pala.
- Hinahalikan mo sya ng pasorpresa kahit pa alam mong sasampalin ka nya ng malakas.
- Bigla kang nagseset ng date nyong dalawa sa tabi ng ilog kahit pa alam mong hindi sya darating kasi may midterm sila sa school at ikaw ay isang tambay lang.
- Pabigla-bigla ang pagbibigay mo ng regalo sa kanya ng kahit anong bagay na alam mong di naman niya magugustuhan, kaya magtatampu-tampuhan ka kunwari para amu-amuhin ka nyang parang aso.
- Kapag kukain kayo sa fast food ay sinusubuan mo sya ng spaghetti dahil yun lang ang order nyo, kaya magshi-share kayo sa isang kutsara.
- Pinapatawa mo siya lagi kahit pa libing ng lola nya.
- Hindi ka nandidiring uminom sa bote o basong pinag-inuman nya kahit pa isang lingo na siyang sinisipon at inuubo.
- Nagsa-suggest ka sa kanya kung anong panty ang bagay sa bra nya dahil ganun din sya sa iyo.
- Hindi ka nahihiyang makipagholding hands sa kanya kahit pa nasa loob sya ng CR para jumerbaks at ang kamay mo ang ipanghuhugas sa pwet nya.
- Kapag nagjo-jokes sya ay tatawa ka ng malakas kahit pa korni at O.A. ay bibilhin mo parin.
- Kahit 3 days na syang hindi naliligo ay nati-take mo parin ang amoy nyang amoy kulob na labahan.
- Kahit pa mukha syang chaka sa make-up nya ay maganda parin sya sayo.
- Handa kang bunutin ang buhok nya sa kilikili gamit lang dalawang pisong pinag-ipit.
- Lagi mo syang kinukonsulta kung bagay ba saiyo ang orange na pantaloons sa black mong polong hindi na pinaplantsa.
- Nagpapautang ka lagi sa kanya kung kailangan nya ng pera ng walang collateral, basta may tubo lang any okay ka na. Kada-linggo ang singil mo sa hauz nila.
- Lagi mo syang pinapasaya kahit pa pinapalo na siya ng nanay siya ng dos-por-dos dahil ipinanglaro nyo ng angry birds ang pambili sana nilang limang kilong bigas.
- Lagi mo syang kinakantahan ng love songs kahit pa hindi nya naririnig kasi nakasalpak ang earphones ng mp3 nya sa tainga nya, pero gora ka parin sa bali-baliko mong boses na ala-bugoy drilon.
- Kapag nakakita ka ng pentelpen ay agad mong isusulat sa pader ang name nya at name mo, pero hindi na ito matutuloy kasi hindi mo pala alam ang espeling ng name nya kaya magdodrawing ka nalang.
- Lahat ng mahahalagang petsa nyong dalawa ay nirerecord mo sa listahan ng utang nya sayo.
- Lahat ng magagandang nangyari sa inyong dalawa ay ipinapaalala mo lagi sa kanya na para bang may amnesia siya.
- Kapag may umaapi at umaaway sa kanya ay ipinagtatanggol mo siya at ipinakukuyog mo ang kaaway nya sa tropa mong adik-adik.
- Pinupunasan mo ang luha nya gamit ang ulinging potholder na tinahi mo at proud ka dito.
- Hindi ka sumasabay sa galit nya. Pagkatapos nya ay ikaw naman ang mag-amok.
- Hindi ka nangingialam sa bisyo nya tulad ng sigarilyo at alak, dahil trip mo lang ay ragbi at katol.
- Kapag may nakita kang dumi sa mukha nya ay inaalis mo agad gamit ang kwelyo mong bagong kula.
- Sinusuklay mo ang buhok nya na puro falling hair.
- Ginagawa mong collector’s item ang mga gamit at appliances nila sa bahay na pilit mong ipinuslit sa kanila para may remembrance ka sa kanya.
- Wala kang ililihim sa kanya dahil malalaman rin nya dahil isa syang manghuhula sa Quiapo at kukulamin ka nya kapag niloko mo siya.
- Hindi kailanman lalamig ang pagmamahal mo sa kanya kahit pa bangkay kana.
- Lagi mong pinapahiram sa kanya ang cp at laptop mo kahit pa alam mong snatcher siya at hindi na naman babalik saiyo ang gamit mo.
- Lagi kang naniniwala sa sinasabi nya at nagpapauto sa kanya.
- Sinasabihan mo rin ng ‘I LOVE YOU’ ang tatay nya para magpalakas ng dating sa kanya.
























0 comments:
Post a Comment