Iza Bustamante for Ms. COC 2012
>> Monday, August 22, 2011
PARIS- Todo ang paghahanda ngayon ni Rodaliza Bustamante o Iza para sa kanyang matagal-tagal na ring balak na pagkuha ng korona sa gaganaping Ms.COC 2012. Hindi po ito literal na pagkuha o pagnanakaw ng korona, kundi si Iza mismo ay aakyat na ng entablado at ipapakita niya sa buong COC na siya ay mayroon ding Ganda Lang at hindi Pera-pera Lang Yan.
![]() |
| ito ang laging outfit ni Iza kahit pa ordinary days lang |
Ayun sa aking source, focus at serous na raw umano itong si Iza pagdating sa kanyang diet. Dati raw umano ay tatlong plato lamang ng kanin ang nauubos niya pero ngayon ay nagbawas na siya at ginawa na niya itong dalawa’t kalahating plato.
Laman na rin umano itong si Iza sa lahat ng mga sikat na mga salon at Spa sa Manila, dahil araw araw itong nagpapayos ng mukha at nagpapahilot ng bagang. Sabi pa ng mayamang lola niya na nasa Bicol ay “Prepared na ang Apo ko, kaya matakot na kayo!” habang ngumunguya-nguya ng Ngangang ginto. Si Iza pala kasi ang tunay na Heredera at kung sakaling manalo siya ay mapapasakanya na ang lupain ng kanyang ninuno.
Malaki na rin ang naibuhos na panahon ni Iza sa gaganaping pageant next year at sa pagkakataong iyun ay tiyak masusungkit na niya ang tinamasang tagumpay ng kanyang kinaiinggitang si Jessica Salanguit. Ang Apat na taong paghahanda ay natitiyak kong sapat na sapat na para siya ay putungan ng korona sa leeg, este sa ulo. Pumasyal ang aming News Team sa kanyang tahanang walang hagdan sa di kalayuan, at aming nasaksihan ang lagayan ng lahat ng kakailanganin niya sa pageant, gaya ng Gown na binudburan ng ginto, Cultural Attire na minana pa niya sa lola niya, Casual wear na gawa ni Rene Salud, mga hikaw at kwintas na gawa pa sa Paris, sapatos na dinesenyo pa ni Lady Gaga at iba pang burloloy na mayroong mahahalagang hiyas. Kaya nagpuslit kami ng iilang bato at naisangla namin sa Recto.
Ayun pa sa manager ni Iza na si Vina (na buntis daw ngayon at isang askal ang nakadali sa kanya) ay mayroon din pala itong balak na sumali sa Bb. Pilipinas 2013 kung saka-sakaling hindi pa magugunaw ang mundo sa taong iyun. Ambisyosa na nga itong si Iza, at ipagdasal po natin na hindi po siya abutan ng Signos bago pa man maiputong sa kanya ang koronang pinakaasam-asam at baka naman koronang tinik ang maabutan.
























0 comments:
Post a Comment